Gusto ko na maging high school uli

Saturday, September 12, 2009

Mas magada ko mag sulat pag Tagalog. Sorry for my English spokening friends.

I am 28 years old, 29 na next month. Medyo matagal na high school para sa kin. Hindi ko na alam ang mga nangyari sa mga kaklase ko nung HS pero yung iba naman ok lang, FB FB lang. Madami akong karanasan nung HS na hindi kayang pantayan ng college life ko.

Nung HS kasi kami ang last batch na hindi Co Ed. Sa mga hindi nakaka alam kung ano ang Co Ed eh eto yung magkasama ang babae at lalaki. Sa madaling salita, hiwalay ang lalaki sa babae. Kahit kami ang nagrequest na pagsamahin na at gawing Co Ed ang HS eh tinupad naman. Sa lower batch sinimulan. Anyways, akala ng iba pangit yun, corny. Hindi. Mas ok nga yun kasi mas free ang mga lalaki na gawin ang gusto nila and yung mga babae din ata.

Naalala ko yung first year orientation namin. Si Mrs. Manapat pa yung nag conduct ata nun. Sabi nila, ang pinaka lowest year na nahuli na naglalampungan sa classroom eh 2nd year. Baka daw ma break namin yung record at first year pa lang eh may nag mamake out na sa classroom.

Ayun, meron na nga, pareho ko pang barkada...

First year din ng nagpaiyak kami ng teacher. Hindi lang teacher, second in command pa ata ni Gen. Manapat yun. Anyways, umiyak sya kasi hindi kami nag bigay ng class fund for Teacher's Day. Eh kasi naman mali mali yung sistema nun. May teacher din kami na comedy, si Leyti. Kasi dini discuss nya yung landing ni MacArthur sa Leyte. Sabi niya Leyti, sabi namin "Ma'am, LEYTE." "Oo nga, LEYTI!". Ayos.

Naalal ko din nung na disqualify yung banda namin sa Battle of the Bands kasi nagmura yug vocalist namin. Yung drum pedal kasi sira na kanina pa eh ayaw ayusin. Disqualified daw kami. Wawa naman kami.

Yung stampede comedy din yun. Bago matapos lunch period namin, lahat ng lalake tatambay sa lobby ng 2nd floor. Then pag nag bell na tatakbo kami lahat pabalik sa classroom namin. Bahala na kung sino tamaan. Minsan nga yung altar hinagis sa min habang nagtatakbuhan kami. Panalo.


Madami dami pa. Para hindi magulo, eto na ang mga na mimiss ko

1. Playing Magic Cards
2. Yung pag dismissal namin eh nag aagawan ng studio na pag jajammingan
3. Tatambay sa bahay ng kaklase after school
4. Pag gawa ng kung ano ano gamit ang abaca
5. Sapakan ng walang dahilan (actually kahit matanda na ko meron ap din nito)
6. Intrams
7. "Love me or Leave me!" ( after nya mag bigay ng rose sa crush nya--aminin mo na kung binabasa mo to!)
8. Yung Hot Air Balloon powered by one big candle (4th Year Science Project)
9. IMPACT-o, pinag duck walk ang isang buong section kasi binato ng armchair yung rotating fan. Bumagsak si rotating fan.

Hay nako...ang dami pa...

I will try my best to bring back some of this. Time Space Warp...ngayon DIN!!!

blog comments powered by Disqus